Issue 4

August 2017

[ CLICK TO ENLARGE ]

Issue 4: August 2017

Why it's time for progressives in the Duterte Cabinet to leave

  • Published in Rappler, August 20, 2017

    The last few days may be a grim milestone in the war on drugs. In less than 4 days, beginning August 15, police anti-drug squads slew 32 alleged drug pushers in Bulacan and 49 in Metro Manila, for a total of 81 kills. These days may well be the bloodiest in the one-year-old campaign. But what made these days particularly horrific was the execution in Caloocan of 17-year-old Kian Loyd delos Santos, who was dragged by police in full view of CCTV cameras, given a pistol by his captors and told to fire it, and then shot.

    Three police officers implicated in the execution have been relieved of their duties. But can there be any doubt that the real culprit is the man in Malacañang, who has, in so many past statements, given the police license to kill? In one recorded instance, on March 14 of this year, he offered immediate pardon to any policeman convicted of killing people with impunity "so you can go after the people who brought you to court."

    True to form

    True to form, the response of President Duterte to the escalating bloodshed that is deeply troubling many was to commend the Bulacan police and express his wish that 32 more people in the province would be killed. Later, the President lashed out at Commission on Human Rights Chairman Chito Gascon, calling him "ulol na mestizo" (crazy half-breed), and threatened to order the police to shoot human rights activists.

    If there is any doubt remaining that Duterte will not let up on his bloody crusade, they have been banished. At the rate people are being killed, the number of victims at the end of 6 years could reach 60,000. This would easily make the Duterte drug massacre the third worst campaign of extermination in Southeast Asia's recent history, after the Khmer Rouge genocide in 1975-78 and the anti-communist bloodbath in Indonesia in 1965-66.

    When the President said last October that some 20,000 to 30,000 more people might need to be killed, many laughed off his words as another case of what they saw as Duterte's propensity for hyperbole. They are no longer laughing, or at least some of them aren't (since Duterte still has a sizable following of blind followers from the middle class who would follow him to hell).

    Towards dictatorship

    And if there is any doubt that he plans to stay in power for more than one term, the President's recent comments about victory in the drug war necessitating more than 6 years should be seen as softening the public for a more definitive announcement of his intentions when the time is ripe.

    When we warn against his dictatorial intent, we are often criticized for prejudging the President or engaging in pure speculation. But it is those who think Duterte will yield power after one term who are detached from reality. Do they really think that after killing thousands of people, Duterte would allow himself to be legally shorn of power by what he considers the constitutional niceties of succession and be exposed to certain prosecution by the local courts and the International Criminal Court?

    Complicit in crime

    The recent developments raise the question of how anyone can continue to serve in the Cabinet of a mass murderer. Indeed, one would not be surprised if former environment secretary Gina Lopez and former social welfare secretary Judy Taguiwalo are secretly relieved at not being confirmed by the Commission on Appointments since they will no longer have to face criticism for remaining in the Cabinet as the murders escalate.

    But there are others who remain in Duterte's Cabinet who have had a distinguished record promoting human rights, people's rights, labor rights, and social development, and it becomes harder by the day to understand how they can remain in their positions when it is becoming abundantly clear that mass murder is the central and only real policy of this administration, like the elimination of Jews was that of Hitler's regime.

    To think that they can isolate their departments from the rest of the administration and close their eyes to the bloodletting taking place under their very noses and insulate themselves morally from it is an illusion. By remaining in office, they are complicit in the crime, and they know it.

    By this time, for these Cabinet members, it should no longer be a question of if but when they split from the mass murderer. If the dictates of conscience do not constitute enough motivation, then let their fear of history's judgment of their failure to abandon a morally bankrupt bloodstained regime. Let history's harsh verdict on the progressives who compromised with Marcos be a lesson to them.

    The dilemma of these Cabinet members mirrors that of the remaining liberal or progressive citizens who have stuck with Duterte for over a year in the hope that he would bring about some social reform that would, in their peculiar calculus, offset his murderous spree. (READ: The Left's unity and struggle with Duterte) The departure of Gina Lopez and Judy Taguiwalo owing to the President's refusal to support them and the absence of any significant social reform initiatives except for cheap populist stunts shorn of mechanisms for funding such as the free college tuition scheme, should make it easier for these people to end their moral and political ambivalence towards the fascism that is engulfing the country.

  • Kung Bakit Napapanahon na para Magbitiw ang mga Progresibo sa Gobyernong Duterte

    Lumabas sa Rappler, Aug 20, 2017

    Ang nakaraang mga araw ay nagdala nang mas matindi pang lagim dulot ng gyera sa droga. Sa loob nang wala pang apat na araw, simula noong Agosto 15, umabot ng mahigit 80 ang pinatay ng mga pulis sa operasyon nila sa laban sa mga drug pusher; 32 sa Bulacan, 49 sa Metro Manila. Maaaring sabihin na ang mga araw na ito ang pinakamadugo sa loob ng isang taong kampanya sa droga. Ang pinakamalagim ay ang pagpaslang sa 17-taon na si Kian Loyd delos Santos, na nakita sa CCTV kung paanong kinaladkad ng mga pulis, binigyan ng baril at inutusang paputukin ito, saka sya binaril.

    Tatlong pulis ang sangkot sa krimeng ito na tinanggal na sa puwesto, ngunit ang may pakana ng lahat ng ito ay nasa Malacañang; siya ang nagbigay sa mga pulis ng lisensya para pumatay. Noong Marso 14 ay sinabi ng Presidente na di niya parurusahan ang sinumang pulis na nahatulang pumatay at “pwede ninyo habulin ang mga nagsampa ng kaso laban sa inyo sa korte.”

    Totoo sa Kung Ano Siya

    Totoo sa kanyang porma, ang naging sagot ni Presidente Duterte, na lalong nakakabahala, ay pagpuri pa sa mga pulis sa Bulacan at nanawagan pang pumatay nang mas marami.Tinawag pa niyang ulol na mestizo ang tagapamuno ng Commission on Human Rights na si Chito Gascon, at binantaan pa ang mga tagapangtanggol/aktibista para sa karapatang pantao na ipapabaril sila sa kapulisan. 

    Kung may duda pa na ihihinto ni Duterte ang kanyang madugong krusada ay naburang lahat ito dahil sa mga pangyayari kamakailan. Sa bilis ng pagdami ng mga namamatay, sa loob ng anim na taon maaaring umabot ng 60,000 ang biktima. Ang masaker sa ilalim ni Duterte dahil sa kanyang gyera sa droga ang magiging ikatlong pinakamalalang kampanya ng eksterminasyon sa makabagong kasaysayan ng Timog-silangang Asya, sunod sa genocide sa ilalim ng Khmer Rouge noong 1975-78 at madugong kampanya laban sa mga komunista sa Indonesia, 1965-66. 

    Nang sinabi ng Presidente noon Oktubre 2016 na kailangan pang magpapatay ng 20,000 hanggang 30,000 katao, nagtawa ang marami at sinabing exaggeration. Ngayon ay di na sila makatawa, o ang ilang sa kanila ay di na makatawa (malaki pa rin ang base ng mga bulag na tagasunod ni Duterte mula sa gitnang uri).

     

    Tungo sa Diktadurya

    At kung may duda pa rin na walang plano si Duterte na manatili sa poder pagkatapos ng anim na taon, nawala na rin ito dahil sa mga sinabi kamakailan ng Presidente na kailangan nang mahigit anim na taon upang magtagumpay ang kanyang gyera sa droga. Isa itong hakbang upang ihanda ang publiko sa panahong ilalantad niya ang totoong intensyon.

    Noong kami ay nagbabala tungkol sa layunin ng Presidente na magtatag ng diktadurya, tinuligsa kami na hinahatulan siya nang walang batayan at ito ay spekulasyon lang. Ngunit ang walang ugnay sa reyalidad o katotohanan ay ang mga taong naniniwala na bababa si Duterte sa pagtatapos ng kanyang termino. Naniniwala ba talaga sila na sa libu-libong kanyang pinapatay ay papayagan ni Duterte na mawala sa kapangyarihan at maharap sa mga demanda sa mga lokal na korte at maging sa International Criminal Court?

    Sangkot sa Krimen

    Ang mga pangyayari kamakailan ay nagtutulak sa atin para itanong kung paanong ang ilang miyembro ng gabinete ay nakukuha pang magsilbi sa ilalim ng isang mamamatay-tao. Hindi na tayo magugulat kung nakahinga nang maluwag sina dating kalihim ng kapaligiran, Gina Lopez, at ng panlipunang kagalingan, Judy Taguiwalo, dahil di sila nakumpirma ng Commission on Appointments; hindi na nila kailangang humarap sa kritisismo sa paglilingkod sa gabinete kapag lumala pa ang patayan. 

    May mga nananatili pa sa gabinete na kinikilala ang dating rekord bilang tagapagtanggol ng mga karapatang pantao, karapatan ng mamamayan, ng mga manggagawa, at para sa kaunlarang panlipunan; ngunit ngayon ay lalong humihirap intindihin ang kanilang pananatili sa gobyerno na ang sentral na polisiya ay pagpatay ng mamamayan tulad nang ginawa ni Hitler sa mga Hudyo. 

    Isang ilusyon ang isipin na kaya nilang ihiwalay ang kanilang mga departamento sa ginagawa ng buong administrasyon at pikit-mata sa patuloy na pagdanak ng dugo. Sa pananatili sa posisyon, sila ay sangkot na rin sa krimen ng pamahalaan. 

    Sa panahon ngayon, dapat ay di na isyu kung dapat ba o hindi silang magbitiw; panahon na para kumalas sila sa mamatay-taong administrasyon. Kung ang dikta ng kunsensya ay di pa sapat para itulak ang mga ito na umalis sa gobyerno, hayaan nating ang kasaysayan ang manghusga sa kanilang pagkabigo na humiwalay sa isang rehimen na bangkarote sa moralidad. Maging aral sa kanila ang naging husga ng kasaysayan sa mga nakipagkompromiso kay Marcos.

    Ang problemang kinaharap noong nakaraan ay sumasalamin sa kinakaharap ng mga liberal at progresibong miyembro ngayon ng gabinete na nanatili sa pamahalaan ni Duterte nang mahigit isang taon sa pag-asang magdadala pa ito ng pagbabago at reporma na sana’y babalanse sa kanyang kampanya ng pagpatay. 

    Ang pagkatanggal kay Gina Lopez at Judy Taguiwalo dahil di sila sinuportahan ni Presidente at idagdag pa ang kawalan ng mahahalagang inisyatiba para sa repormang panlipunan, maliban sa mga walang kuwentang pangako na kapos naman sa mekanismo upang maipatupad tulad ng iskema ng libreng kolehiyo, ay sapat na sana upang makapagdesisyon ang mga tao na tapusin ang kanilang pagmamaang-maangan na nababalot na ng pasismo ang ating bansa.

*Walden Bello made the only recorded resignation-on-principle in the history of the Philippine Congress in 2015 owing to differences with the Aquino administration on the Disbursement Acceleration Program, the Enhanced Defense Cooperation Agreement with the United States, and the Mamasapano raid.

Editorial Board


Ramani Silva

Sonny Melencio

Ric Reyes

Ed Tadem

Luke Espiritu

Merck Maguddayao

Walden Bello

Kat Leuch

Ellecer 'Budit' Carlos

Aaron Pedrosa

Cover and layout artist

Zeus Agustin

Links

Partido Lakas ng Masa